1
10hr
0

Bilyun-bilyong pondo para sa ‘medical pork barrel’, kinundena ng mga manggagawa pangkalusugan

https://philippinerevolution.nu/angbayan/bilyun-bilyong-pondo-para-sa-medical-pork-barrel-kinundena-ng-mga-manggagawa-pangkalusugan/

Kinundena ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang pagsingit ng mga mambabatas sa bicameral conference committee ng P51.1 bilyon na Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) sa pambansang budget para sa 2026. Ang MAIFIP ay pondo kung saan ang pulitiko ang nagdedesisyon kung kanino mapupunta ang ayuda. Sa ganitong sistema ang pulitiko ang may kontrol sa serbisyong pangkalusugan sa halip na ang pasyente.

Ayon sa HEAD, hindi nito ginagarantiya na mabibigyan ng akses ang pinakamahirap at pinakabulnerableng mamamayan. Sa halip ay pinagpapatuloy nito ang sistemang padrino kung saan ang medikal na ayuda ay nirarasyon batay sa pasya ng mga mambabatas. Nagagamit din ito bilang pampulitikang pabor. Nilalagay nito ang mga paseyente sa kalagayan na kailangan nilang magmaka-awa para sa serbisyo na dapat nilang natatanggap.

Hindi din nito ginagarantiya na ‘zero balance billing’ ang mga pasyente sa mga ospital ng gubyerno. Nananatiling kulang ang pasilidad sa mga pampublikong ospital para sa sapat na medikal na pangangalaga at pagtutukoy ng mga sakit. Dahil dito ay mapipilitan pa rin ang mga pasyente na pumunta sa mga pribadong ospital at maglabas ng pera panggastos mula sa sariling bulsa.

Ang paglilipat ng MAIFIP sa PhilHealth ay naglalagay ng pondo sa kamay ng mga korap at hindi epektibong institusyon, Dapat palakasin ng estado ang sistema ng publiko serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng paglalaan ng hindi bababa sa 5% ng kabuuang kita nito sa pambansang badyet para sa kalusugan.

Nananawagan ang HEAD sa kongreso na ibasura ang MAIFIP at ilipat ang P51.1 bilyon na pondo direkta sa mga pampublikong ospital at pasilidad. Dapat din ilaan ang pondo nito para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga ospital ng gubyerno para matiyak na libre ang mga gamot, suplay at diagnostic procedure para sa mga pasyente. Ang serbisyong pagkalusugan ay isang karapatan at hindi pabor. Ang pampublikong pondo ay dapat nagliligtas ng buhay, ayon sa grupo.

The post Bilyun-bilyong pondo para sa ‘medical pork barrel’, kinundena ng mga manggagawa pangkalusugan appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.